Malapit na ang katapusan…

March 27th, 2009 by Dianne Peña

Unti-unti ko nang nararamdaman ang katapusan…

Naunang naranasan ang last day sa apat na sulok ng isang classroom sa LB…

dsc00652

Pangalawa ang katapusan ng pagduduty bilang student nars sa pasilidad ng Ospital ng Maynila…

dsc00825

Ginugol ng maraming oras, pera, pawis, pagod, puyat at dugo sa paggawa ng isang thesis na ilang beses iyak ng dugo sa dami ng mali…

dsc00982

Isama mo na ang pagtaasan ng kilay, tagisan ng talino at di paguunawaan sa grupo…

Sa wakas, natapos na din ang nakakatusta ng neurons na Nursing Research…

dsc01072

Nalagpasan ang intracranial hemorrhage na defense at nagBT (Blood Transfusion) pagkatapos…

dsc01011-2

Hindi nagtagal, sa dinamidami ng mga nagreklamo dahil sa dami ng minus sa pagchecheck ng scantron machine, matapos ang tatlong nakakataas ng ICP (Intracranial Pressure) na pagsusulit, natapos na din ang Nursing Audit…

dsc00968

Madaming nalungkot, nabwisit, nadismaya at na-High Blood sa naging resulta nito…

Pero madami din ang parang naka-Amphetamine sa tuwa dahil naihulog na nila ang napakabigat na bola ng Victometer… Infairness, naka60% tayo don mga kapatid. Ang hirap kaya….

dsc00603

Isama mo na din ang Pre-Board na kahit hindi kasama sa grades ay tiyak na magkakaroon ka ng Body Malaise…

dsc06696

Natapos na ang final coaching… (kahit na nauna ang pre-board hehehe)

Isabay mo na ang huling party sa FEU Quadrangle na tinatawag na IN Send Off Party ’09…

dsc01552

Maraming naka-metallic na damit, madaming flash ng camera, madaming maniningning na mga ngiti…

Pero sa loob loob ng bawat isa… “Hay, huli na ito… gagraduate na tayo…”

Sa loob loob ko… “Syet, UNEMPLOYED nako. hahahah!”

Nakakapangilabot…

Pero ang pinakanakakakilabot sa lahat ay ang….

HABA NG PILA SA IN-FACULTY ROOM…

Haaayyyy….

Hindi tuloy ako nasasabik sa graduation o pinning…

Ito na lang ang huling iniintindi ko…

at

Malamang kayo din…

Galingan natin mga kapatid…

Matatapos din to…

GOOD LUCK…:]]

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Leave a Reply