Pa-autograph naman sir, ma’am…

March 27th, 2009 by Dianne Peña

Bakit ba pumapasok pa din ang mga graduating IN Students ng FEU samantalang dapat ay nagpapahinga at nagpapractice na lang para sa graduation at pinning ceremony?

(Habang ang iba ay naghahagis na ng toga at nakapose na ang grad. pic sa Friendster…)

Mga nakacivilian, uniform, chinelas, black shoes o rubber shoes…
May may mga hawak na long folder at long brown envelope…
Nagpupunas at nagpapaypay ng pawis…
Nakatayo, nakaupo, pumipila…

Hindi sa isang pelikula o sa masayang ride sa Star City o Enchanted Kingdom…

Kundi sa…

Faculty Room at Nagpapa-autograph sa mga DYOSA…

“Kumpleto ka na ng cases?”
“Nakapagpacheck ka na ba?”
“Anjan ba si Sir?”
“Kelangan pa ba pumila pag magpapacounter sign na lang?”
“Ano yan, intial checking o counter signing na lang?”

…ilan sa mga maiinit na tanong ngayong tag-init…

“Waah, buti pa kayo… nagcocompletion pa lang kami e…”
“Syet! Kamusta naman! Ang haba ng pila…” sabay padyak at kamot sa ulo pero pipila din naman…
“Bukas pa daw available si Sir…” sabay kuha ng cellphone, text at tawag sa C.I
“Waahh! Magrerevise nanaman ako… Ang gulo naman nila… Hindi naman kasi chineck kahapon, tapos mamalian ngayon…”
“Sige ganito na lang, ako pipila dito, ikaw magrevise nung mga mali, tetext ko sayo pag may ipapabago pa para mabilis tayo…”
“Ubos na pera ko meeeen… hindi pa ko kumakaen…”
“Anung pecha na satin? tsk.” sabay paypay gamit ang long brown envelope…

…ilan sa mga tamang sagot at tamang komento nang mga taong nakapila sa tapat ng IN-Faculty Room…

Mahaba at matagal na proseso sa loob pa lang ng unibersidad…

Paano pa kapag pipila na sa gusali ng PRC?

Madaming nagpapahabol at nagtatagong C.I (na hindi ko alam kung bakit…)
Madaming naniningit at nagpapasingit…
Madaming reklamo sa hindi organisadong pagpapalakad sa pagpapapirma ng PRC Form…
Maraming nangangamba kung matatapos ba nila ito at makakapag-apply para sa JUNE board exam…

Isa na ako don…

Idagdag mo pa ang nagaalala at makulit kong magulang para tapusin na ito…

Ikaw, Tapos ka na ba?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Leave a Reply